sa totoo lang mas ok pa maging pasyente ang mga doktor, abugado at kung sino pang pontio pilatong tao kesa nurse. Alam mo kung bakit? Kase alam nila kung ano ang gingagawa mo alam nila ang mga pasikot-sikot sa propesyong pag aalaga ng taong may sakit. alam nila ang oras ng gamot,rounds ng doctor, normal na BP, pulse, respiratory rate and temp, rationale sa mga nursing procedures at actions and adverse/side effects ng gamot (pero di naman lahat). Ang nakakainis pa dun, kahit alam na nila yun magtatanong at magtatanong pa rin sila kung ano gingawa mo like for example my exp:
SITutation 1
Pasyenteng nurse: nurse maskit yung opera saken, wala ba akong pain reliever?
AKo: teka lang po (kuha ng gamot sa medicine tray then nung ibibigay ko na)
Pasyenteng nurse: teka ano yang ibibigay mo?(with kinda sarcastic tone)
Ako: (naasar) Pain reliever po sabi nyo po masakit opera nyo?
Pasyente Nurse: ah ok then check mo bp ko maya ah
Situation 2
pasyenteng nurse: anong bp ko?
Ako: 100/70 po
pasyenteng nurse: mababa ba yun?
ako: (hindi mataas sobrang taas) nasa normal ranged pa naman po
Situation 3
Pasyente nurse (bagong graduate siguro): Nurse anong regulation ng IV ko?
Ako: (tingin sa Kardex) mga 10-15 drops per minute
Pasyenteng nurse : eh parang wala pang 10 drops bilang ko eh, ano bang drop factor na gingamit nyo?
AKo: (sumakit bigla ulo ko) mam kase po ang order ng doctor eh KVO (keep vein open) lang swero nyo, ipmortante lang magkaroon ng IV acces line in case kailanganin nyo ng gamot na tinuturok sa swero
Pasyenteng Nurse: kaya nga di ba ang KV0 eh 10 drops in approximation (nagenglish si ate)
Ako: (grr ayoko ng makipagtalo) sige po ireregulate ko po sa 10 drops
Situation 4
Pasyente nurse: als 8 na bakit wala pa ung gamot ko?
Ako: pasensia po, nagbigay lang po ng gamot sa ibang pasyente
Pasyente nurse: dapt kung anong oras nakaorder yung gamot yun ung oras na dapat ibigay ung gamot.
ako: (dahil bawal makipagtalo) ok po (sabay alis)
hindi ko talga maintidihan kung bakit nila ito gingawa sa kapwa nurse nila.hindi ko rin alam ang magiging reaction ko kung matatawa ba ako o maiinis. hindi ko naman nilalahat pero karamihan ng nurse na napasyente ko eh ganito. siguro naman kung maging pasyente ako hindi naman ako manonoxic ng ganun. maintidihan ko naman na madaming ginagawa ang nurse at hindi lang ako ang pasyente (unless life and death situation na ito)para kasing dinedemoralize nila sarili kauri what if sa kanila mangyari un tingnan naten.
Thursday, February 10, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment