Wednesday, February 24, 2010

behind the story

Bakit nga ba ako nag nurse? Ang hirap kaya mag nurse. Hahawakan mo at makikita ang ilang bagay na di kayang gawin ng ordinaryong tao plus magbabasa ka ng abstract (guri-guri) na order na doctor, isama mo pa dyan ang mga demanding at makukulit na pasyente. Ito sa ngayon ang katanungan gumugulo sa aking isipan (hanggang ngaoyn), pero di ba huli na para magisip ako ng ganito lalo't ngayon eh lisensyado na ako at nagtratrabaho na. (ehem, with citation talaga) Sa lahat ng mga nurses, estudyante at feeling nurse. Sure ako makakarelate kayo.

Iho, bakit ka nag nurse? Ito ang bungad na tanong sa akin ng guidance counselor na school na papasukan ko. Abroad? Hindi pumasok sa isip ko ito seryoso. Sinabi ko na lang na matagal ko nang pangarap maging nurse pero ang totoo wala akong maisip. Putek, walang pakialamanan, (kaw bakit ka nag guidance counselor? ehehe) After ng Highschool graduation tanungan kame ng mga classmate ko kung anong kukunin nilang course sa college. Syempre yabangan yan, Almost 3/4 ng class sabi magnunurse daw sila ung 1/4 eh engineer, teacher, lawyer at rockstar (kung meron ba talagang course para dun) WEH seryoso? Eh di mag nurse na rin ako, walang peer pressure talagang nakiuso lang ako. Medyo ambisyoso din ako gusto ko sa Manila magaral para cool at syempre yabangan ulit sa mga classmate gusto ko rin naman silang ma-miss kahit papaano kaso hindi ako pinayagan ng parents ko baka daw mapariwara ang buhay kaya dito lang ako sa amin (as in) anyway hindi rin naman kami magkakatagpo-tagpo ng landas bukod sa busy eh magkakaiba kami ng school na pinasukan ehehe.

1st year ng buhay SN (student nurse) kayang kaya pa pero pagdating ng 2nd year, pucha! napasubo talaga ako sa course na ito. Ito yung mga times na halos pumutok na ang braso ng mga classmate ko kaprapraktice ng pag BBP at magkaroon ng venous congestion ang litid ng mga kapatid at tito't tita ko. Ito rin ung panahon na kumulubot ang balat ko kakahandwashing para maperfect ang bwusit na checklist na yan. Ito rin yung panahon na malalaman mo kung sino yung may mga kuto at balakubak dahil magdedemo ka ng bed bath at bed shampoo sa harap ng C.I. (clinical instructor) mo. Waah what an embarassing moment. Hahaha natatawa talaga kase pagchichismisan sa klase nyo kung sino sino ang mga yun. Naalala ko rin pala ang first duty ko sa hospital halos himatayin ako sa kaba kase marunong ding magBP yung pasyente ko kaya lage siya nakatingin sa sphygmometer ko tsk buti na lang tama ang BP ko sa kanya ahahaha. Lalo pang nadagdagan ang stress sa buhay ko dahil sa deliberation na yan every semester sa amin. Tatangalin ka sa school pag medyo sablay ang grade (unless may backer ka hahaha) then reshuffling. Ang hirap kaseng makipabagay especially sa isang tulad ko mahiyain eh, hindi pa naman ako friendly (problema talaga yun). Tapos hectic pa schedule ng duty sasabayan pa ng mga long quiz at demo tapos may board exam pa tsk.

Well, past is past, as I said earlier bakit pa ba ako magiisip ng mga ganitong bagay eh nagtratrabaho na ako at kumikita na medyo sapat sa aking luho. Siguro pagod lang ako, itutulog ko na lang muna ito. Bukas na lang ako magshare... pwera toxic pls.